RATED R
ni Rommel Gonzales
SI Sheryl Cruz mismo ang nagbalita sa inyong lingkod na artista na ang nag-iisa niyang anak na babae, si Ashley Nicole Bustos na ang gagamiting screen name ay Nicole Sonora.
Sonora ang apelyido ng ina ni Sheryl noong dalaga pa, si Rosemarie Sonora.
Si Rams David ng Artist Circle Talent Management ang mamamahala sa showbiz career ng 24-year-old na si Nicole. Si Rams din ang manager ni Sheryl.
Ano ang path o genre ang nais tahakin ni Nicole?
”Well she wants to be able to know her full potential sa showbiz.
“Kasi marunong siya ng singing, marunong siya ng acting, marunong siya ng writing.
“Actually she has a lot of stories she can sell sa mga producer.
“Iyan ang sinasabi ko kay Ateng [Rams], because that’s one talent na hindi pa alam ng tao tungkol sa daughter ko, she’s a very gifted writer,” kuwento pa sa amin ni Sheryl.
Mga kuwentong maaaring isalin sa script para gawing pelikula ang mga isinusulat ni Nicole.
“Namana siguro niya iyan sa Uncle Ronnie ko,” pagtukoy ni Sheryl sa Hari ng Pelikulang Pilipino, si Fernando Poe, Jr..
“‘Di ba, award-winning screenplay, artist, at Philippine artist ‘di ba.
“So kahit paano isa ‘yun sa mga talent niya [Nicole].”
Kilala si FPJ bilang scriptwriter at direktor na si Ronwaldo Reyes.
“Yes, who is a storyteller.
“And si Ashley [tawag ni Sheryl kay Nicole] kasi nag-graduate siya summa cum laude sa Psychology at saka Race and Resistance Studies. So puwede siyang magbenta ng Tagalog at puwede rin siyang magbenta ng work niya sa Amerika.
“Iyon ‘yung minor niya, about race, lahat ng race it encompasses the whole world.
“So kung ano ‘yung gusto ng bawat race, kung ano ang tema na gusto ng…let’s say sa Korea, sa Amerika, rito sa Pilipinas, alam na agad niya.”
Bakit iyon ang kursong kinuha ni Nicole?
“Siguro at that time iyon ‘yung pinaka-trending doon sa Amerika siguro especially at that time kasi, she was part of the generation na nakaranas ng Covid. ‘Yung pagpasok ng Covid and she was in college at that time, roon sa San Francisco State University.”
Dito na mamamalagi si Nicole?
“Iyan ang sa kanilang dalawa ni Ateng (Rams) kasi nga ayoko siyang pangunahan, they have their thing.
“So we’ll see,” ang nakangiting sinabi pa ni Sheryl.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com