Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Falcon Bong Revilla

Ejay nalungkot sa pagkakakulong ni Bong

RATED R
ni Rommel Gonzales

APEKTADO si Ejay Falcon sa pagkakaaresto at pagkakakulong ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa akusasyong may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Lahad ni Ejay nang personal naming tanungin tungkol dito, “Siyempre nakalulungkot po, I mean nakalulungkot po ‘yung nangyayari.

“Siyempre hindi naman po natin sinasabi na iyan ay totoo or ano pa man.

“Wala ako roon sa posisyon na iyon para magsabi niyan, pero nakalulungkot lang.

“Kasi bago pa naman lahat ngayon, talagang ang korapsyon po kasi mahabang panahon na, matagal na iyan eh, matagal na iyan.

“Iyon nga lang sana lumabas din ang katotohanan at sana ay nasa mabuti siyang kalagayan kahit paano.

“Iyon naman ‘yung importante.

“Kasi base sa mga napapanood ko at nababasa ko ay parang walang… walang special treatment, siyempre kahit paano artista pa rin ‘yung tao, senador pa rin ‘yung tao, tapos malalagay sa ano… hindi natin alam kung paano magsu-survive si Sen.

So iyon, ipanalangin na lang po natin na sana rito sa nangyayaring korapsiyon sa buong Pilipinas, isama niyo na ang buong mundo, ay managot ‘yung deserve na managot, iyon na lang po.

“Iyong deserving na managot ay managot na lang po.

“At ‘yung mga walang kasalanan ay mapawalang-sala.”

Hiningan namin si Ejay ng opinion tungkol dito dahil nakatrabaho niya si former Senator Bong last year sa season 2 ng GMA series na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis.

Nagkuwento rin si Ejay ng tungkol sa pinagsamahan nila ni Sen Bong habang nagte-taping ng kanilang serye.

 “Ang sabi niya sa akin, nag-start siya na Vice Governor, ganoon din, at iyon nga, ‘Dapat nag-aaral ka pa rin,’ sabi niya.”

Bago naging senador ay naglingkod muna si Bong bilang vice-governor ng Cavite (1995-1998) at si Ejay naman ay dati ring nakaupo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro (2022-2025).

And siyempre roon sa mga action scene namin, sabi niya sa akin, eh kasi ako one time noong pumunta ako [sa taping], segue ako noon eh. May ginagawa rin ako sa ABS, galing akong province na puyat-puyat ako.

“Tapos may fight scene kami, kino-choreograph niya ako, sabi niya, ‘Parang sa edad ko mas malakas ako ngayon sa iyo,’ sabi niya. 

“Kasi nagte-training siya, eh puyat nga ako, 

 nagte-training-training daw siya. Sumusuntok-suntok siya sa bahay, boxing, so iyon, mga ganoon lang.

“Hindi rin kami nabigyan ng maraming time kasi alam niyo naman ngayon, pagdating sa shooting, may Eddie Garcia Law. So, kailangang tapusin lahat iyon, ‘di ba. May cut-off. So pagdating mo sa set trabaho na ng trabaho, diretso.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …