SUGATAN ang 15 pasahero nang bumaliktad ang sinasakyan nilang jeepney malapit sa Ruiloba Street at Mabini Bridge, sa Sampaloc, lungsod ng Maynila, nitong Biyernes, 6 Pebrero.
Ayon sa pulisya, inagaw ng lasing na pasahero ang manibela mula sa driver, dahilan upang tumagilid at tumaob ang jeep.
Agad dumating ang mga rescue team para daluhan ang mga sugatang pasahero na isinugod sa Philippine Orthopedic Center, Jose Reyes Memorial Hospital, at Ospital ng Sampaloc upang mabigyan ng kaukulang atensiyong medikal.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com