Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jayda Avanzado at Dylan Menor magtatambal sa bagong Viva One series na Project Loki

ni Allan Sancon

MAGTATAMBAL sa isang mystery-crime thriller series na Project Loki sina Jayda Avanzado at Dylan Menor.

Ito ay  series adaptation ng hit webnovel ni AkoSiIbarra na umabot sa mahigit 93 million reads. Handog ng Viva One at CignalPlay at mapapanood na simula February 21, 2026.

Umiikot ang Project Loki sa QED Club ng Clark University na binubuo ng mga estudyanteng mahilig mag-imbestiga ng mga misteryosong kaso sa loob at labas ng campus. Sa pamumuno ni Loki at sa pagdating ng bagong miyembrong si Lorelei, unti-unting lalalim ang mga kasong kanilang haharapin—kasabay ng mga lihim, intriga, at koneksiyong personal na posibleng magbago sa kanilang buhay.

Pinagbibidahan ang serye nina Dylan Menor bilang Loki Mendez, ang tahimik at misteryosong utak ng QED Club, at Jayda Avanzado bilang Lorelei, ang bagong miyembro na mabilis na magiging susi sa paglutas ng mga kaso.

Kasama rin sa cast sina Marco Gallo bilang Luthor, ang Student Council Vice President at kuya ni Loki; Yumi Garcia bilang Jamie, isang drama club actress na may photographic memory; at Martin Venegasbilang Alistair, ang bestfriend ni Lorelei na sasabak din sa mundo ng misteryo.

Ibinahagi ni Dylan kung paano niya hinugot ang karakter ni Loki: “Lumalabas din naman ‘yung pagiging nonchalant ko, pagiging mysterious… ‘yun ‘yung pwede kong paghugutan sa character ko para mas mabigyan ko ng justice at mai-portray ko ng maayos si Loki Mendez.”

Aminado naman si Jayda  na excited siya sa mga relasyon at kilig na aabangan ng fans: “Something unique about Project Loki is, even though mayroon siyang kaunting delulu moments, natutuwa ako sa mga shipper online ng ‘Loreki’ at ng ‘Loretor,’ so excited ako to play up those scenes.”

Dagdag pa niya, malaking bahagi si Lorelei sa paglutas ng mga krimen ng QED Club.

Diretso ring nangako ang direktor na si Xian Lim na bibigyan nila ng hustisya ang obra ni AkoSiIbarra: “We will do to the best of our abilities… we will give justice to this series… masterpiece na ginawa ni Akosiibarra.” 

Ayon pa sa kanya, malapit ang kanilang collaboration sa author para manatiling tapat ang adaptation sa orihinal na kwento.

Pinagsamang misteryo, kilig, at intriga—ito ang ihahain ng Project Loki sa bawat episode. Mula sa Viva One at CignalPlay, tiyak mapapaisip, mapapakapit, at mapapaabang ang mga manonood. 

Huwag palampasin—simula na sa  February 21, 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na …