I-FLEX
ni Jun Nardo
LANGUAGE of love ni Tita Helen Gamboa Sotto ang magpadala ng nilutong pagkain sa mga kaibigan.
Ito ang naging pahayag ni Tita Helen sa interview ni MJ Marfori sa kanya.
Sa totoo lang, season 5 na pala ang Helen’s Kitchen at last February 7, Sabado, nagsimula ito bago ang Eat Bulaga.
Kasama ni Tita Helen ang anak na si Ciara Sotto sa show at guests noong Sabado sina Eppy Quizon at Van Dolph.
Nakatutuwa pa ring panoorin si Tita Helen habang nagluluto. At wala pa ring kupas ang ganda niya, huh.
Tiyahin ni Sharon Cuneta si Helen dahil kapatid niya ang mom niyang si Mommy Elaine.
Marami kayong matututunang masasarap na pagkain mula sa luto sa Helen’s Kitchen!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com