Friday , February 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Rafael, Bulacan
San Rafael, Bulacan

Rape suspect ng menor de edad kinalawit

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan na matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad.

Sa ulat ni PLt. Colonel Protom E. Guevarra, hepe ng San Rafael MPS, kinilala ang naarestong akusado na si a.k.a. Junior, 51 anyos, may asawa, construction worker, residente sa Brgy. Windmill Borol 2nd, Balagtas, Bulacan at No. 3 most wanted person sa municipal level.

Isinilbi sa akusado ang warrant of arrest kaugnay ng kasong “Qualified Rape of a Minor” na nakasaad sa Criminal Case No. 405-M-2026, walang inirekomendang piyansa.

Ang nasabing warrant ay inisyu ni Judge Theresa Genevieve N. Co, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 17, Third Judicial Region, Malolos, Bulacan, sa ilalim ng TIP Control Number G-2026-003-PRO3-BULPPO-SRMPS.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Rafael Municipal Police Station ang akusado habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa pagbabalik ng warrant sa korteng pinanggalingan nito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Blind Item, Gay For Pay Money

P800 umento sa kasambahay, epektibo sa 7 Pebrero 2026

EPEKTIBO na sa 7 Pebrero ang P800 umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa …

Bato dela Rosa

Bato ‘wag kumuha ng suweldo

KUNG hindi pumapasok, mas mainam na huwag kumuha o tumanggap ng suweldo. Payo ito ni …

Senate Senado

Borador ng partial report nag-leak
PANDARAMBONG VS CHIZ, JOEL, JINGGOY REKOM NG BLUE RIBBON

HATAW News Team INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kasong pandarambong o …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray Celis nagdiwang ng 1st Anniversary Thanksgiving para sa Kiray’s Brands, mister na si Stephan excited nang magka-baby

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-CELEBRATE ang Kiray’s Brands ng kanilang unang anibersaryo sa pamamagitan ng …