Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise gobernador ng Oriental Mindoro, na manalong kongresista sa 2nd District ng nabanggit na lalawigan.

Iniyakan ito ni Ejay.

“Hindi naman maiiwasan na iniyak ko siya. Ibinigay mo ‘yung best mo. Nangampanya ka.

“‘Yun nga lang, wala ka rin namang pera noong eleksiyon. Hindi rin ganoon kalaki ‘yung inilamang niyong katunggali ko.

“After niyong iyak na ‘yun, siguro, may purpose si Lord kung bakit nangyari ‘yun. Hanggang biglang nag-SONA. 

Noong SONA, pumutok na ‘yung issues katulad ng flood control, malalaking corruptions.”

Nagkaroon ng realization si Ejay na ang pagkatalo niya ay blessing na maituturing dahil naging mainit ang mga mata ng publiko sa mga congressman.

Ngayon, alam ko na ‘yung purpose, God’s protection, redirection.

”Noong August, nanonood ako ng TV, naglabasan na ‘yung issues. In fairness kay ninong, si direk Lauren Dyogi, nahimasmasan ako.

“Lumuwag ‘yung pakiramdam ko. One time, nagkita kami after elections, lumabas na nga ‘yung corruption issues, sabi niya, ‘Mahal ka talaga ng Holy Spirit. 

“Tingnan mo kung nariyan ka?’ Sabi ko, ‘Oo nga po.’”

Bakit hindi bilang governor ang itinakbo niya?

Basta sabihin na lang po natin na noong time na ‘yun ay iniisip ko kung saan ako mas may magagawa. Sektor ng kabataan, education.

“Diyan ako galing. Gusto ko talagang pagtuunan ng pansin. Sa province namin, nakare-relate ‘yung mga tao sa akin. May mga kabataan na may kanya-kanyang talento.

“Ako, sino ang mag-aakala na from the barrio na walang koryente at signal ng cellphone ay magiging ‘PBB’ winner at vice governor.

“‘Yung nangyari sa akin, ganoon din sa kanila. Gusto kong makapag-aral sila.

“Galing din ako sa wala. Nakakapagtrabaho ako sa showbiz. Okay naman na ang buhay namin. Pero gusto mo kasing makatulong,” sinabi pa ni Ejay.

Nakatapos siya ng Bachelor of Arts in Political Science with a Major in Local Government Administration sa University of Makati habang nakaupo siya bilang vice governor.

Samantala, nagbabalik-pelikula si Ejay.

Hindi ko puwedeng talikuran ang showbiz kasi mahal ko ang pagiging aktor ko,” saad ni Ejay.

Dati ‘yung mga ginagawa ko, pa-cute, mga love story. Ngayon, siguro ito ‘yung mas mature na Ejay na makikita ninyo sa movie.

“Sa akin, ang importante, hindi lang basta pelikula. Makagawa lang tayo ng pelikula, sige basta may trabaho tayo, go na lang.

“Hindi kasi ganoon ngayon. Hindi katulad noong nag-uumpisa pa lang ako, kailangan magtrabaho. Kailangan kumita ng pera.

“Ang ganda ng message ng pelikula. ‘Yun naman talaga ang purpose, ang makagawa ng magandang pelikula. Kung kumita, bonus na lang.

“Kung ganito ang mga pelikulang ibinibigay sa akin, kahit siguro araw-araw ako mag-shooting.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …