EPEKTIBO na sa 7 Pebrero ang P800 umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).
Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang naturang umento sa sahod ay ipaiiral kasunod ng inilabas na Wage Order No. NCR-DW-06 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) noong 15 Enero 2026.
Alinsunod sa naturang bagong Wage Order, tataas ang buwanang minimum na sahod ng mga kasambahay sa rehiyon nang mula P7,000 hanggang P7,800.
Tinataya ng DOLE na aabot sa 223,610 kasambahay ang makikinabang sa naturang wage increase, na ang 62% o 138,263 sa kanila ay nasa “live-in arrangement.”
Tiniyak ng DOLE, ang pagbabago sa buwanang sahod ay sinuri at pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong 21 Enero 2026
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com