RATED R
ni Rommel Gonzales
TALENT manager na si Sylvia Sanchez!
Contract artists na ng Nathan Studios/Nathan Studios Artist Management na pag-aari nina Sylvia at Ria Atayde ang mga cast member ng I’m Perfect na mga artistang may Down Syndrome na pinangungunahan ni Krystel Go na nagwaging Best Actress sa nakaraang 51st Metro Manila Film Festival at lead actor ng pelikula na si Earl Amaba.
Bukod kina Krystel at Earl ay pumirma na rin sa Nathan Studios/NSAM ang iba pang persons with Down syndrome actors na sina Carl Garcia, Royce Gian Rivera, Javi Sarmiento, Angela Batallones, Gio Dicen, Jonathan Tilos, at Bea Mendoza na anak ng aktor ding si Matthew Mendoza.
Aminado si Sylvia na alam niyang hindi ganoon kadali i-manage ang acting o showbiz career ng mga nabanggit na new stars.
“Mahirap, yes. Kasi hindi ito ‘yung parang artista ibebenta ko o ilalako ko lang, ‘di ba?
“Ilalako ko sa ABS-CBN, sa GMA, sa lahat ng estasyon na mayroon akong artista.
“Alam ko naman na bihira ‘yung persons with Down Syndrome, na limited sila na makuha sa pelikula.
“Pero hindi lang naman kasi sa loob ng Philippine cinema, hindi lang naman sa industriya natin.
“Kundi pati ‘yung endorsement, pati ‘yung job nila sa labas, alam mo ‘yun? Gusto ko silang ihanap ng trabaho.”
Hindi lamang acting career ang aasikasuhin ni Sylvia para sa mga ito kundi pati na rin ang pagiging brand ambassador.
“Hindi sila mahirap ilapit, ha?
“Like itong February is month of Down Syndrome. So… of course sa Nailandia, nandoon na ‘yun, brand ambassador sila.
“Ngayon, kinukuha ‘yung mga girl ng Wacoal, magmo-model sila roon.
“O Mdi ba, first time na persons with Down syndrome na magmo-model ng Wacoal.
“Nakatutuwa ‘yun, ibang tema ‘yun. Inclusivity…doon sila sa inclusivity.
“Magsu-shoot sila sa Feb 7. Then si Krystel, kukunin na rin sa March sa Women’s month.
“So, tuloy-tuloy sila, may ganoon. Apat ‘yung kinuha nila na girls, isa roon si Krystel. So, nakatutuwa.
“Tapos mayroon pang kumukuha, in fact tonight, pagkatapos nito, mayroon akong meeting sa hindi ko pa masabi kung anong brand ‘yun. Kinukuha rin sila
“May bags o kung ano man, kinukuha rin sila.
“Nakatutuwa!
“Alam ko naman na mahihirapan ako. Pero kailangan maging buo ang loob mo, matapang ka, eh.
“Suungin mo lahat. I-head on mo lahat ng takot mo for them. Kasi kung hindi ko gagawin, sino ang gagawa? Sino ang mag-uumpisa.
“I know nag-umpisa na ‘yung iba. Pero ‘yung i-push pa sila nang matindi. Rito sa industriya, wala naman talaga eh.
“So kung hindi ko gagawin, at hindi ko talaga gawin at hindi ko talaga susubukan at lalakasan ang loob ko, walang mangyayari, walang inclusivity for them itong ginagawa namin.”
Talent na rin ng Nathan Studios/NASM ang Time To Dance grand winner na si Ice Almeria.
Ang Time To Dance ay dance reality competition sa ABS-CBN last year hosted by Gela Atayde.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com