NAREKOBER ng militar ang mga firearm components at logistical supplies na pinaniniwalaang ginamit ng mga communist terrorist groups sa isang security operation sa Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan nitong nakaraang araw.
Sa ulat ay napag-alamang isinagawa ng 70th Infantry Battalion (70IB) ng Philippine Army ang operasyon sa Sitio Macua, Barangay Kabayunan, DRT.
Inilatag ang operasyon sa superbisyon ng Joint Task Group 7-2, matapos ang impormasyong nakalap mula sa isang concerned citizen ukol sa presensiya ng armadong grupo sa lugar.
Sinasabing ang mga naturang teroristang grupo ay konektado sa Komiteng Rehiyon Gitnang Luzon (DKRGL) at KLG Narciso.
Kasama sa mga narekober ang mga plastic gallon na naglalaman ng bigas, tubig, isang M16A1 lower receiver na may serial number RP 181892 at isang M16A1 rifle barrel. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com