Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

No. 2 provincial most wanted ng Angeles tiklo sa Bustos

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng Bustos MPS, katuwang ang Tracker Team, PIT Bulacan West/RIU3, Angeles City Police Office PS 3, at Bacolor MPS, ang isang indibiduwal na nakatalang No. 2 most wanted person sa provincial level ng Angeles City Police Office sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Tibagan, Bustos, Bulacan nitong Linggo ng tanghali, 1 Pebrero.

Sa ulat ni P/Capt. Heherson Zambale, OIC ng Bustos MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Berto, 39 anyos, residente sa Brgy. Pulong Maragul, Angeles, Pampanga.

Isinilbi sa suspek ang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 5(B) ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na inisyu noong 15 Enero 2026 ni Presiding

Judge April Joy B. Magsayo-Aguila, ng Angeles City, Pampanga RTC Branch 61 na may rekomendasyong Service of Sentence.

Ipinaalam sa naarestong suspek ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bustos MPS bago isailalim sa korteng pinanggalingan ng warrant.

Pahayag ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, ang matagumpay na pag-aresto sa naturang wanted person ay patunay ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at ng epektibong koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya.

Ito ay bilang bahagi rin ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Bulacan at mga karatig-lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

USTNAI Senen Cabalfin Gandang Lola

Gandang Lola Year 3 Medical Mission Naghatid ng Pagaling, Saya, at Dignidad sa Elderly Community

NAGSAMA-SAMA ang malasakit, pag-aaruga, at selebrasyon sa Little Sisters of the Elderly habang matagumpay na …

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …