OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang itampok ang talento ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga larong hango sa lokal na kultura. Ang pasinaya ay ginanap sa Solaire Grand Ballroom, Entertainment City, Paranaque.
Ang MegaFUNalo, isang online gaming platform na lisensiyado ng PAGCOR, ay inilunsad ang GIOCO Arcade — isang koleksyon ng mga digital arcade game na may temang Pinoy na nagdiriwang ng malikhaing galing ng mga Pilipino at naghahatid ng aliwang may lokal na inspirasyon para sa mga manlalarong Pilipino. Nag-aalok ang GIOCO Arcade ng mabilis at biswal na kaakit-akit na gameplay na nakaugat sa kulturang Pilipino, sa loob ng ligtas, sumusunod sa regulasyon, at pinagkakatiwalaang kapaligirang lisensiyado ng PAGCOR ng MegaFUNalo. Ang Actor, singer, songwriter na si Ogie Alcasid ang Jeepney Go Ambassador. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com