Friday , March 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon

DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo na pagdating sa matagal nang usap-usapang bahagi ng kanyang personal na buhay. 

Isa sa pinakainit na tanong na muling binuhay ay ang pitong taong relasyon niya noon kay Sugar Mercado. Si Sugar ay naging co-host niya sa isa sa kanyang show. 

Iginiit ni Willie na naging makabuluhan at puno ng saya ang naging relasyon niya kay Sugar,  lalo na dahil sa malapit niyang ugnayan sa mga anak nito.

“Wala namang went wrong sa naging relationship ko kay Sugar kasi napamahal naman sa akin ‘yung mga anak ni Sugar, parang naging anak ko na rin sila,” ani Willie.

Ibinahagi rin ni Willie ang naging pag-aalaga niya sa mga bata, na para bang tunay na pamilya ang turing niya.

Mas naging personal ang pag-amin ng TV host nang sabihin niyang doon niya ibinuhos ang oras at pagmamahal na hindi niya naibigay sa sarili niyang mga anak.

“Kasi hindi ko na kasama ‘yung mga anak ko. Roon ko nabaling sa mga anak niya… naging anak ko talaga sila,” dagdag ng tv host 

Aniya, sa piling ng mga anak ni Sugar niya nahanap ang saya at lunas ng pangungulila bilang isang ama.

Hindi rin nag-atubili si Willie na kilalanin ang katotohanan ng kanilang naging relasyon. “Totoo naman, hindi ko naman maide-deny ang tama at ang totoo… Yes, naging maayos naman,” aniya.

Gayunman, malinaw sa kanya na may mga bagay talagang hindi itinadhana. “Siguro, hindi talaga kami para sa isa’t isa,” dagdag pa niya, sabay giit na naging patas siya sa lahat—maging sa sarili niyang mga anak na nakaunawa sa kanyang naging kaligayahan noon.

Pinabulaanan naman ni Willie ang mga paratang na tila itinatanggi niya ang mga naging karelasyon. “Okay lang ‘yun, at saka hindi ko idine-deny ‘yung naging relasyon ko, kawawa naman ‘yung babae… hindi ako ganong klaseng tao,” mariin niyang pahayag. 

Para sa kanya, mahalagang igalang na naging bahagi ang isang babae sa kanyang buhay at huwag burahin ang katotohanan.

Sinabi rin ni Willie na wala siyang lovelife ngayonat masaya siyang nag-iisa. 

Aniya, sakaling muling umibig, mas pipiliin niyang panatilihin ito sa pribadong espasyo at hindi na ipangalandakan. 

Para pa sa TV host, sapat na ang katahimikan at kapayapaan ngayon—isang bagong yugto na malayo sa intriga, ngunit tapat pa rin sa katotohanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …