Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan)
Gold Silver Bronze Total
1     Thailand     37    29    31    97
2     Indonesia   22    25    15    62
3     Philippines  11     7     8    26
4     Malaysia     9    13    18    40
5     Vietnam      9     8     6    23
6     Myanmar     5     7     3    15
7     Singapore    2     2     0     4
8     Laos         0     0     2     2

NAKHON RATCHASIMA – Ipinagpatuloy nina Paralympian Gary Bejino, Ernie Gawilan at Angel Mae Otom ang pagsisid ng mga gintong medalya dagdag ang mga bagong record sa swimming para bitbitin nito ang Team Pilipinas sa pagkapit sa pangatlong puwesto ng 13th ASEAN Para Games dito sa Thailand.

Itinala ng 35-anyos na si Bejino ang kanyang pangalawang bagong record sa pagtala ng 2:37.21 oras sa Men’s  200 freestyle S6 para sa kanyang pangalawang gintong medalya at una din ng Team Pilipinas sa pangalawang araw ng kompetisyon ng multi-sport na kompetisyon.

Kinapos naman ito sa pangatlo sanang ginto matapos na pagsamahin ang Classification S5 at S6 sa Men’s 50m butterfly sa pagpangalawa sa oras na 34.89 segundo sa nagtala ng bagong record na si Aekkrarin Noithat ng Thailand na 33.36 para tabunan ang dating record na 34.15.

Una nito tinulungan ang koponan sa 4×50 mixed relay team kasama sina Maria Josephime Beariza Roble, Otom at Marco Tinamisan sa pagsungkit sa pilak sa oras na 3:03.41 para maiuwi ang pinakamaraming medalya na dalawang ginto at dalawang tanso.

Hindi naman nagpaiwan ang Paralympian din na si Gawilan sa Men’s 200Free S7 sa pagtatala ng bagong record na 2:26.08 oras. Tinabunan nito ang 18 taon na dating record ni Sittichai Somyut ng Thailand na 2:52.11 na itinala noong Enero 2, 2008 para sa dalawa nitong gintong medalya.  

Una nang nagwagi sina Bejino at Gawilan sa pagkolekta sa unang dalawang nakatayang ginto sa torneo. Itinala ni Bejino ang kanyang unang record sa Men’s 400 m freestyle S6 Finals sa 5:32:08. Sinundan ito ni Gawilan na nagwagi sa Men’s 400m Freestyle S7 sa oras na 5:02.39.

Idinagdag naman ni Otom ang gintong medalya sa Women 100 free S4-S5 sa oras na 1:41.44 matapos na unang magwagi sa Women’s 50m Backstroke S4-S5 sa itinalang 47.29 segundo Miyerkules. Siya ay may tatlo nang medalya.

Nagdagdag din ng gintong medalya ang nasa kanyang unang sabak sa torneo si Ariel Joseph Alegarbes sa pagwawagi sa Men’s Backstroke 100m S14 sa oras nito na 1.02.52.

Una nito ay nakapilak si Marco Tinamisan sa Men’s 200 Free, Class S3/S4 na sinundan ng back to back na bagong record na golden swims nina Bejino at Gawilan.

Nakapagtala din ng bagong record para sa athletics si Rodrigo Podiotan Jr. sa pag-uwi sa una nitong ginto sa men’s 400m T52 sa itinala na ASEAN Para Games record na 1:01.06. Tinabunan nito ang record ng kakampi na si Jerrold Peter Mangliwan na 1:01.93 sa huling edisyon ng torneo.

Pumangalawa naman ang flagbearer ng Pilipinas at dalawang beses Paralympian na si Mangliwan para sa pilak na medalya sa oras na 1:01.41.

Agad din nagpakita ng husay ang produkto ng Palarong Pambansa at nasa una pa lamang nitong paglaro para sa Pilipinas na si Jan Jayro Palermo sa F20 Long Jump sa pagtala ng 6.89m na pagtalon para biguin ang dalawang beterano mula Malaysia sa His Majesty the King 80th Birthday Stadium. (PSC ICE/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …