Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, January 19.

Sa video na kumalat sa social media, unti-unting natutumba ang komedyante sa stage hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay.

Sa simula pa lang ng video ay tila nahihilo na si Boobay at bago ang kanyang second song ay bigla na lang napahinto hanggang bumagsak na.

Tinulungan naman agad ang mga medic na pasugod umakyat ng stage at binuhat patungong backstage. Mabulis ding umakyat ng stage ang kaibigan at partner niya sa show na si Super Tekla

Magiging okay ‘yan. Part po ‘yan ng sakit ni Boobay. Tuloy-tuloy tayo, kaya nandito po ako…

“Araw-araw nandiyan ako para sa kanya,” mensahe ni Tekla sa audience.

Just relax, guys. Okay lang po ‘yan. After five minutes babalik din po ‘yan. Para yang computer, nagsa-shutdown siya sa sobrang gamit. Ayaw kasing magpahinga ng gaga,” dagdag pa ni Super Tekla.

Makalipas nga ang ilang minuto ay bumalik sa stage si Boobay para ituloy ang kanyang pagkanta na parang walang nangyari.

Ito kasi, paano binanggit-banggit mo kasi si Lord kanina, ayan tuloy dumiretso ako,” biro ni Boobay kay Tekla.

Bakla ka, dapat hindi mo binabanggit ‘yon, ayan tuloy nangyari. Kasalanan mo yon,” hirit pa ni Boobay.

Nasisi pa ako. Hoy, ilabas mo si Boobay!” tili naman ni Super Tekla.

Ito na lalabas na siya kasi kailangan niyang kantahin ito. Kapag kasi hindi ko nakanta ito, hindi kompleto ‘yung suweldo ko ngayong gabi.”

Sa kabilang banda, marami ang nag-alala kay Boobay dahil ilang beses na itong nahimatay sa lalo kapag nagpe-perform.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …