PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng mga mukha as if naman ay pagkakaguluhan sila,” sey ng ilang bashers kina Will Ashley at Mika Salamanca tungkol sa recent trip nila.
Marami kasi ang nagsasabi na mas lalong nagpapansin ang dalawa dahil sa kanilang ginawa. Although sinasabing friends lang daw ang dalawa at nagkayayaan lang ang mga friend nila for a quick trip sa Hongkong. Marami pa rin ang nagsasabing may something deeper going on sa dalawa.
Kung wala raw kasamang elder o guardian ang mga ito, paano raw bang makukumbinsi ang sambayanan na pasyal at kain lang ang inatupag ng mga ito sa nasabing bansa?
“Granting na usong-uso na ang ganyan kahit noon pa, pero hello naman, lokohin na nila ang kanilang maloloko. Pupunta kayo sa abroad, may face mask at hoodie pa, may patakip-takip pa para hindi makilala pero hindi ninyo maaalis sa mga galing na sa ganyan na hindi lang friendly walk iyan noh? Huwag kami please,” hirit pa ng mga basher.
Ay, Will and Mika, ano ba talaga?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com