PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang tila hindi pabor sa pagkakasama ni River Joseph sa nagbabalik na Y Speak, ang youth oriented show na isinasa-boses ng mga kabataan ang kanilang mga gusto at disgusto sa mga issue ng buhay.
Sa muli ngang pagbabalik nito ay pinagsama-sama ang mga kabataang may malakas na impluwensiya sa mga bagong sibol na kabataan sa ngayon.
Ang mahal nating kaibigang si Fr. Tito Caluag ang nasa likod ng bagong grupo na kinabibilangan nina River, Elijah Canlas, Ralph de Leon, at KD Estrada.
Tila bukod tanging kay River lang kami nakabasa ng mga impresyong hindi ganoon kaganda dahil tila hilaw umano ito.
Ayon pa sa mga komento at impresyon, “ni wala nga siyang sinabi o anumang salita na ibinigay hinggil sa mga nepo babies at flood control issue, ‘di gaya nina Elijah, KD, at Ralph. Hindi siya believable.”
Mas bagay daw na isama sa grupo si Emilio Daez dahil bukod sa mas may ‘stand’ ito sa mga isyu ay never itong nasangkot sa ‘nepo baby’ na gaya ni River.
Well…
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com