Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diane de Mesa Second Chance

New single ni Diane de Mesa titled “Second Chance”  available na sa streaming platforms

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY new single na naman si Diane de Mesa at ito ay pinamagatang “Second Chance”.

Ang naturang single ay sariling composition ni Ms. Dianne, nabanggit niya sa amin ang ilang detalye ng naturang kanta.

Aniya, “Ang bago ko pong single ay “Second Chance,” ito’y isang country-pop ballad na inilabas nitong January. Tungkol ito sa pagbibigay ng second chance—hindi lang sa isang tao, kundi pati sa sarili.

“The song talks about maturity, healing, at ‘yung moment ng pagninilay kung worth it pa bang bumalik o mas mahalagang piliin ang sariling peace. Isinulat ko ito para sa mga taong dumaraan sa ganitong sitwasyon, at gusto kong ipaalala na okay lang magpahinga, magmuni-muni, at pumili ng mas healthy na path.”

Dagdag pa ni Ms. Diane, “When love offers a second chance, do you follow your heart—or protect it? Ikinukuwento nito ang proseso ng pagmumuni-muni kung karapat-dapat pa bang magtiwalang muli matapos masaktan.

“Hindi ito basta love song; isa itong kuwento ng maturity, paghilom, at pagpili kung alin ang mas mahalaga—ang bumalik sa nakaraan o ang piliing protektahan ang sariling puso. Sa huli, ang kanta ay paalala na ang second chance ay hindi laging nangangahulugang pagbabalikan, kundi minsan ay pagpili sa sarili, sa sariling kapayapaan at bagong simula.

Ano ang inspiration niya sa paggawa ng song?

“Ako po ang nag-compose nito at inareglo ni Jayson Dolotina. Words & Music: Diane De Mesa, arrangement: Jayson Gutierrez Dolotina, mixed & mastered by: Diane de Mesa DDM Studio Production.

“Bilang isang songwriter, hindi ito eksaktong hango sa aking kuwento, pero isinulat ko ang kanta sa pamamagitan ng paglalagay ng sarili ko sa sitwasyon ng mga taong dumaraan sa ganitong karanasan. Sinikap kong damhin at ipahayag ang emosyon nila, para maka-relate ang mga nakikinig.”

Out na ba ito sa streaming platforms?

“Second Chance is now available to stream on Spotify and all other platforms.”

Last December, may inilabas din siyang single, every month ba siya kung maglabas ng song?

Esplika niya, “Wala akong fixed na monthly schedule, pero bahagi ng plano ko ngayon ang mas regular at mas consistent na pag-release ng mga kanta. Gusto kong masundan nang maayos ang creative flow ko at maibahagi agad ang mga kantang handa na, nang hindi minamadali ang proseso.”

Anong tema ng song ba ang gusto niyang isinusulat at kinakanta?

“Mas hilig kong magsulat at kumanta ng songs na may temang love, healing, at personal growth. I love telling stories na emotional at relatable—’yung tipong pinagdaraanan ng maraming tao, pero minsan hindi nila masabi in words.

“As a songwriter, gusto kong maging boses para sa kanila at iparamdam na hindi sila nag-iisa. Para sa akin, music is not just entertainment; it’s a form of comfort, reflection, and hope.”

Nakabase siya sa US as a registered nurse, ibig bang sabihin ang listeners niya pati sa kanyang online show, mas marami ang taga US?

“Bagama’t based ako sa US, hindi lang sa US ang listeners ko. Sa online shows at music platforms ko, marami rin akong supporters mula sa Filipinas at iba’t ibang bahagi ng mundo—Asia, Europe, Middle East, at iba pa. Dahil online ang music at shows ko, nakatatawid ito ng borders, at sobrang grateful ako na may koneksiyon ako sa listeners kahit saan man sila naroon.”

Nabanggit din ni Ms Dianne na ang music video  ng kanyang latest single na Second Chance ay out na sa YouTube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …