Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PlayTime Entertainment PT IDOLS

The Star Factory 2.0: PlayTime Entertainment inilunsad PT IDOLS

OPISYAL na ang pagpasok ng PlayTime Entertainment sa talent scene sa paglulunsad ng PlayTime IDOLS (PT IDOLS)

Isang malaking hakbang ito sa misyon ng kompanya na makabuo ng isang world-class entertainment ecosystem dito mismo sa Pilipinas.

Ang PT IDOLS ay isang next-generation platform na binuo para i-discover, i-develop, at bigyan ng spotlight ang susunod na wave ng performers, creators, at digital stars. 

Ngayong ang industry ay lumipat na sa creator-led content at digital-first vibes, narito ang PT IDOLS para tiyaking laging nangungunA ang talentong Pinoy.

Kalimutan na ang old-school rules! Hindi lang ito traditional agency; ang PT IDOLS ay isang all-in-one hub na pinagsasama ang:

● Digital-First Branding: Sinisigurong bida ang stars sa mga platform na talagang trending.

● Content Creation: Tinutulungan ang creators na ikwento ang journey nila sa sarili nilang paraan.

● Commercial Partnership: Binubuksan ang pinto para sa big-brand opportunities sa iba’t ibang formats.

Ang PT IDOLS ay nag-kick off na sa ilang dance-based creator groups at kasalukuyang may 25 active creators. Balak nilang palaguin ito hanggang 60 very soon.

Mapapanood ang mga ganap sa TikTok via @ptimeicons. Humahakot na rito ng seryosong hype ang kanilang talents—hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa United States. Patunay ito na ang Pinoy talent ay may matinding cross-border appeal.

PT IDOLS is more than just a talent initiative; it’s a deliberate step in making entertainment a core pillar of PlayTime Entertainment,” ayon kay Krizia Cortez, PlayTime Entertainment Director of Public Relations.

Bilang bahagi ng PlayTime family, ang PT IDOLS ang nagsisilbing tulay ng talent, fans, at brands. Ginawa nilang mas madali ang recruitment gamit ang kanilang dedicated TikTok platform: PlayTime IDOL (Hiring). Dito, may malinaw at structured na path mula sa pagiging “discovered” hanggang sa maging isang professional icon.

Sa pag-expand mula gaming hanggang sa puso ng content at live entertainment, todo-invest ang PlayTime sa mga creator of tomorrow. Simple lang ang mission nila: itaas ang standard ng talent development at siguraduhing ang kwentong Pinoy ay kayang lumaban—at manalo—sa global stage.

Sa pamamagitan ng PT IDOLS, ang PlayTime Entertainment na ang official gateway para sa susunod na era ng Philippine entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …