Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si Mark ay isang lingkod bayan sa Lipa. Roon nagbunga ang kanilang pagmamahal at nabiyayaan ng lalaking anak, si Jediel

Ikinasal sila sa Madonna del Divino Amore Parish noong Disyembre 6, 2025. Ang wedding gown ni Jennifer ay idinisenyo ni Francis Libiran, habang ang suits and dresses ng entourage ay gawa ni Paul Semira. Glam team naman si Dennis Santos.

Kabilang sa mga Bridesmaid ang mga celebrity friends tulad ng konsehal ng Angeles, Pampangga at PCL National Vice President na si Jaycee Parker Aguas, Autoflare Corp. CEO Rachel Villanueva, co, Net25 host Daiana Menesez, at Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee. 

Masaya ang vibe ng wedding dahil sa energy at saya ng couple, pati mga bisita, pamilya, at entourage. Ang kanilang dream wedding ay nabuo dahil sa production team kabilang ang wedding venue stylist na EyeCandy na nagdisenyo sa Versailles Palace, Visuals na gawa ng Always in Motion, at lights and sounds na Blackbox. 

Highlight din sa gitna ng venue ang malaking wedding cake na gawa ni Ross Paris

Samantala, matapos ang kanyang karera sa showbiz, ipinagpatuloy ni Jennifer ang pag-aaral sa Enderun Colleges, na kinalaunan nakuha ang degree sa BS in International Hospitality Management, major in Hotel Administration and Culinary Arts.

Bilang isang chef, nagkaroon siya ng cooking show kasama si Chef Luigi Muhlach. Sinubukan din niya ang food delivery at catering business.

Dahil sa passion niya sa musika, nag-aral siya mag-DJ at naging multi-awarded DJ sa Pilipinas na naging Aliw Awards Hall of Famer para sa Best DJ for Electronic Music. 

Sa kasalukuyan, nakatuon si Jennifer sa kanyang karera bilang DJ. May pangarap din siyang maglabas ng original song na isinulat at ini-record. Pero hindi niya isinasara ang pinto sa acting, lalo sa action genre na dati siya ay napasama sa mga action project na Ang Probinsyano sa ABS-CBN, Steal at Babaylan sa Viva One, at Maria on Netflix.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …