Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa Viva Cafe, sa ganap na 8 PM. Tampok dito si Maricar Aragon at ito’y pinamagatang “Me and My Music.”

Isang fund-raising concert ito na ang beneficiary ay ang Tanging Hiling Organization cancer warriors.

Nabanggit ni Maricar ang hinggil sa gaganaping concert.

Aniya, “Lagi po namin ginagawa itong mga benefit concert dahil alam po namin na marami pong mga tao ang mahilig sa mga concert. Sa tingin ko po, itong move na ito ay lalong nakaka-inspire sa mga concert goers dahil may patutunguhan po yung hilig nila sa panonood ng concert, to think na it will help a lot of young aspiring individuals fighting for cancer.

“Ngayon po nag-concert po ulit kami, with a cause kasi aside sa audience na mai-inspire ang manonood, it also encourages the artists to use their God given talents to inspire din po the kids. Iyong iba po kasi hilig din po ang kumanta o sumayaw, in a way po it encourages them to get through their hurdles.”

Ano ang dapat asahan ng manonood mamaya sa Viva Cafe?

Pahayag ni Maricar, “New faces, surprising performances at even po kakikiligang performances. Music centered po yung concert and very evocative po yung mga songs na carefully chosen. At saka showcasing po yung real talent from 702 Media Productions and Maricar Aragon.

“Ang direktor po nito is direk Nanette Dela Peña, also the same director po from my online show Me and My Music na available po on Channel 702. Bale, this concert po is the concert version of my online show po.”

Dagdag pa niya, “Produced by 702 Media Productions po ang concert. Guest artist po rito sina Ms. Gendear Fernandez-Visitacion, Jude Silva, and Dance World Magnifique. Along with this, may ipakikilala rin po ang 702 na new PPop Kid Group na magpapakitang gilas sa concert po. Ang LiL’ Star Sirens na sina Asiya Ignacio, Halleyah Militar, Kendra Garcia, Mharjay Cacayan, Momay Laugo, at Zooey Abacial.

“Plus ang 702 students na sina Aizen Jhenelle, Ayessa Keristine, Gabriel Adame, Franchezka Caguiat, Jane Zabate, Kierra Rumi, Marikit Enrique, Shaun Jazz, Cynthia Lipumano, Arian Acorda, at ang The Tanging Hiling Youth Cancer Warriors.

“Nag-eexpand na rin po ang 702 Media Productions, aside from voice lessons, may dance lessons na rin po na available, and more workshops will be coming soon po,” sambit pa ng singer

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …