PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko iyan,” pahayag ni Sen. Lito Lapid sa mga nagbabalak na gawing biopic-movie ang lifestory niya.
Marami-rami na rin ang nagtanong sa kanya lalo na noong buhay pa ang mentor niyang si Jesse Chua na isapelikula na nga ang kanyang buhay.
“Iyan ang ipinakiusap ko sa kanila. Ibalato na iyan sa mga apo ko kung sakaling gagawin na itong movie. Pero siguro hindi pa soon iyan,” dagdag pa ng senador nang muli itong humarap sa mga kaibigan sa media para sa isang Christmas salo-salo.
Very consistent nga si Sen. Lapid na hindi talaga nakalilimot na pasalamatan ang mga taga-showbiz sa ganoong okasyon.
Nang tanungin ito tungkol sa umano’y napipintong paglipat ng management ni Coco Martin dahil sa isyu between TV5 at ABS-CBN, simple nitong sinagot na walang nababanggit sa kanya ang anak-anakang action superstar.
“Pero suportado ko kung saan man siya pupunta,” sey nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com