PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan niyang siya ay isang “working legislator”: Isa sa Top Performing Senators, ika-4 sa mga senador na may pinakamaraming inilatag na bills at resolutions sa 14th Congress, kabilang ang Free Legal Assistance Act of 2010 na nagbibigay sa mahihirap ng libre at de-kalidad na serbisyong legal.
Sa pagtatapos ng 15th Congress, nakapaglatag si Senador Lapid ng 239 bills/resolutions – patibay na siya ang Fifth Most Prolific Member of the Upper Chamber.
Siya ang author ng The Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act, at ng Adopt-A-Wildlife Species Act.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports, tiniyak niyang maisagawa ang mga hakbangin para sa pag-develop ng sports sa kanayunan, para mabaling ang interes ng kabataan sa sports competition.
Sa unang taon niya bilang Head ng Senate Committee on Tourism, isinulong niya ang development of the tourism potential ng bansa. Kinalap niya ang mga gamit para sa ikapagtatagumpay ng Pilipinas sa tourism race sa Asia.
Sa kabila ng pagkwestiyon sa kanyang kakayahan, sinikap niyang maging isa sa mga ‘productive legislators, dependable leader, scholar of worthwhile ideals, a gentleman for the masses and a warrior for social responsibility.’
“Dati naman akong inaapi. Siguro nararamdaman ng mga tao na ang tunay na paglilingkod ko sa kanila ay hindi sa salita kundi sa gawa,” pakli ni Sen. Lapid.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com