PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito Lapid na ipagtanggol siya ng mga ito lalo na roon sa mga taong patuloy siyang minamaliit dahil nga sa kawalan niya ng edukasyon and yet, nahalal sa isang mataas na posisyon.
“Wala po tayong magagawa. Roon po tayo dinadala ng kapalaran, ng hamon sa buhay at ng panahon. Hindi ko rin naman ito pinangarap pero sa patuloy na pagtitiwala ng ating mga kababayan, naririto pa rin ako para magsilbi,” pahayag ni Sen. Lapid.
Ipinagmamalaki ng Senador na wala siyang anak at mga apo na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at patuloy na nag-aaral para maingat ang kalidad ng buhay nila.
Posible raw na isa sa mga apo niya na nahihilig sa pag-aartista ang gumawa ng life story niya. “Pero matagal pa iyan,” segue nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com