Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brian Poe Llamanzares 2

Rep. Brian Poe nanawagan ng masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod

QUEZON CITY — Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe, PhD, MNSA ang agarang pagrepaso sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng kanyang inihain na House Resolution No. 560 na nag-uutos sa Committee on Housing and Urban Development na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa habitability at sustainability ng mga kasalukuyang resettlement sites sa bansa. 

Binigyang-diin sa resolusyon na bagama’t tungkulin ng estado na tiyakin ang abot-kaya at disenteng pabahay para sa mahihirap, marami pa rin relocation sites ang malayo sa kabuhayan, paaralan, at serbisyong pangkalusugan—na nagreresulta sa pag-abandona sa pabahay at pagbabalik ng mga pamilya sa mga panibagong informal settlements sa lungsod. 

Kabilang din sa mga pangamba ni Poe ang ilang probisyon ng Republic Act No. 12216 na nagpapahintulot umano ng demolisyon sa loob lamang ng sampung (10) araw kahit walang desisyon ng korte o rekomendasyon mula sa National Housing Authority, at sa kabila ng kakulangan ng Implementing Rules and Regulations (IRR).

Aniya, maaaring malagay sa alanganin ang karapatan ng maralita sa makatao at makatarungang proseso. 

Layunin ng imbestigasyon na suriin ang kabuuang kondisyon ng mga relokasyon—kasama ang occupancy, livability, sustainability, seguridad sa paninirahan, at pagsunod sa mga pamantayan ng makataong pabahay sa ilalim ng UDHA at iba pang batas. Nais din nitong pag-aralan ang mas makabagong solusyon tulad ng high-density o vertical socialized housing at pagkuha ng lupa malapit sa sentro ng kabuhayan. 

Binibigyang halaga ng resolusyon ang direktang pakikilahok ng mga komunidad sa pagbalangkas ng mga polisiya. “Hindi sapat ang may bubong — kailangan ng mga pamilyang Filipino ng tirahang may pag-asa at pagkakataon,” ani Poe.

“Kapag inilalayo natin sila sa kanilang hanapbuhay at mga pangangailangan sa lungsod, nasasayang ang layunin ng pabahay.”

Hiniling din ni Poe na agad na idaos ang mandatory public forum upang personal na marinig ang hinaing at mungkahi ng mga apektadong pamilya, tagapagtaguyod ng karapatan sa pabahay, at iba pang sektor, alinsunod sa “People’s Plan” approach. 

“Bawat pamilyang Filipino ay nararapat sa tahanang hindi lang proteksiyon, kundi tahanang nagbibigay ng oportunidad para umasenso,” pagtatapos ni Poe. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …