Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay Angelica Panganiban Kim Chiu

Angelica humiling ibalato ‘di pagsagot usapin kina Derek at Kim

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

VERY honest na sinabi ni Angelica Panganiban na ibalato na sa kanya ang hindi niya pagsagot sa mga tanong tungkol kina Derek Ramsay at Kim Chiu, regarding sa mga issues hounding them. 

Naging bf ni Angge si Derek, habang close friend naman nito si Kim. Alam at kilala rin sa showbiz si Angge na laging may sinasabi kapag involve ang mga tao o kaibigang mahal niya o naging parte ng buhay niya.

But this time, she begged off at nakiusap na ibalato na lang ang kanyang opinyon.

Basta sisiguraduhin niya na bilang kaibigan ni Kim ay nandiyan lang siya at naka-suporta at nagdarasal para sa maganda at maayos na kahihinatnan ng problema nito. 

“I really don’t want to make any comment on my past,” bahagi naman ng sagot nito sa tanong dito hinggil sa naging relasyon nito kay Derek na of late nga ay sobrang nai-eskandalo ang marital life.

 “Mayroon akong peace ngayon na sobra kong iniingatan at gustong ingatan,” sey pa ng bida ng UnMarry, entry din sa darating na MMFF 2025.

Kasama ni Angelica sa movie sina Zanjoe Marudo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo at inaasahan ding isa ito sa pag-uusapang entries lalo’t tungkol sa “annulment” at mga kaugnay na usapin ang tema ng UnMarry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Jeffrey Jeturian Angelica Panganiban Unmarry

Angelica inayawan, kinainisan ni direk Jeffrey 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AYAW nang makatrabaho ni direk Jeffrey Jeturian si Angelica Panganiban. Ito ang saloobin ng …

Paolo Valenciano Rico Blanco

Paolo Valenciano kay Rico Blanco: We’re simply not meant to work again

HUMINGI ng paumanhin si Paolo Valenciano sa kanilang kliyente, ang JBL Sound Fest, Cup of Joe, at sa …

Nijel de Mesa Regine Angeles Lance Raymundo

Direk Nijel may kakaibang horror film

JAMES Macasero ang tunay na pangalan na nakilala sa larangan ng pagpapatawa bilang si Moymoy Palaboy. Gagawa …

A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Mamay kinikilala galing sa public service at filmmaking

HARD TALKni Pilar Mateo MAKULAY ang buhay ng isang Marcos Mamay. Sa politika. Sa pelikula.   …

V Mapa Batch 86 Reunion Christmas party

V Mapa Batch ‘86 Reunion/Christmas party matagumpay!

MATABILni John Fontanilla DINAGSA ang ginanap na reunion/Christmas party ng V Mapa Batch ‘86  sa auditorium ng …