Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSC Pato Gregorio Mark Lapid John Rey Tianco
TINALAKAY ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman John Patrick Gregorio (gitna) na bilang punong-abala ang bansa sa gaganaping Philippine Women's Open 2026 sa ginanap na press conference nitong Biyernes sa Lanson Place sa Pasay City. Kasama niya sina Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority chief Mark Lapid (kaliwa) at Navotas City Mayor John Rey Tianco bilang secretary general ng Philippine Tennis Association. (HENRY TALAN VARGAS)

Top foreign players, nagkumpirma ng paglahok sa PH Women’s Open 2026

NAKATAKDANG  i-host ng bansa ang Philippine Women’s Open mula Enero 26 hanggang 31, 2026 sa outdoor hard courts ng Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Maynila.

Subalit, ang takdang petsa ng Women’s Tennis Association (WTA) 125 event ay sasabay sa ikalawang linggo ng Australian Open, kung saan kabilang si world No. 50 Alexandra Eala sa mga pangunahing kalahok sa main draw.

Ang Australian Open, na unang Grand Slam tournament ng taon, ay idaraos mula Enero 12 hanggang Pebrero 1 sa Melbourne.

Gayunpaman, kinumpirma ng Philippine Tennis Association na nakapagparehistro na rin ang 20-anyos na si Eala para sa Philippine Women’s Open.

Tinatayang nasa apatnapung manlalaro mula sa Canada, Mexico, Egypt, Belgium, China, Thailand, Serbia, Russia, Belarus, Estados Unidos, Spain, Japan, Great Britain, Bulgaria, Italy, France at Indonesia ang nagpatala rin sa torneo.

“Siya (Eala) ang nagsisilbing inspirasyon ng paligsahang ito,” pahayag ni Philippine Tennis Association secretary general at Navotas City Mayor John Rey Tiangco noong Biyernes sa isang press conference sa Lanson Place Hotel sa Pasay City.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Philippine Sports Commission Chair John Patrick Gregorio at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority chief Mark Lapid.

Ayon sa mga opisyal, ang gagastusin para sa pagpapagawa at pagsasaayos ng venue ay tinatayang nasa pagitan ng P50 milyon at P70 milyon. (JM/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …