Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong cast ng Bar Boys 2, After School movie.

Sa mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, binigyan ng bonggang recognition at pwesto ang beteranang aktres na naging very close sa amin lalo na noong pandemic.

Kahit ramdam namin na medyo nagpa-falter na ang memory ni Tita O. dala ng kanyang edad, ramdam pa rin sa paraan ng pagsasalita nito ang tapang at husay bilang aktres.

Sobra pa rin siyang nakai-intimidate at kung tatanga-tanga ka ngang artista o nag-iinterbyu sa kanya, mabo-boljak ka ng katapangan at taray niya.

Bumabalik si tita O bilang Justice Hernandez sa sequel ng Bar Boys though as per direk Kip Oebanda, “this is a stand alone movie na kahit hindi na ninyo mapanood ang unang version nito, hindi kayo malilito o maliligaw.”

Taong 2017 pa unang lumabas ang movie kaya’t asahan ngayong 2025 ang higit na committed, dedicated, at mas focused sa “after school” na tema.

Ang mga original cast members nitong sina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Rocco Nacino, at Enzo Pineda ay muling magbabalik sa kanilang mga role, with newcomers Emilio Daez, Benedix Ramos, Therese Malvar, Sasa Gurl, at Will Ashley among other co-stars.

Isa ang Bar Boys 2, After School sa mga MMFF entry na inaasahang rarampa sa awards dahil sa ganda ng istorya at galing ng performances dito.

But more than that, “sana po ay unahin na ninyo itong panoorin,” pakiusap pa nina direk Kip at iba pang cast members.

Well, personally speaking, isa nga ito sa entries na paglalaanan namin talaga ng pera at oras. Hindi namin nais pakawalan ang pagkakataong makapanood ng isang obra na matino, may relevance, silbi, may aral, at may adbokasiya para sa tamang edukasyon, pagpa-praktis ng natutunan, at sabi nga ni Benedix, “maging isang mabuting tao.”

See you at the movies this December 25, mga ka-Bar Boys.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …