MAGPAPADALA ang Pilipinas ng isang lean na 48-atleta na delegasyon na ang layunin ay walang iba kundi ang magbigay-karangalan sa bansa sa 2025 Asian Youth Para Games na gaganapin mula Dis. 7 hanggang 14 sa Dubai, United Arab Emirates.
Sasabak ang mga pambato sa siyam na sports, kung saan ang goalball ang may pinakamalaking bilang ng kalahok — 12 para athletes, anim sa men’s division at anim sa women’s side — na sinusundan ng athletics na may 10.
Lalahok din ang pitong Filipino para swimmers, gayundin ang tig-apat sa powerlifting, table tennis, at wheelchair basketball; tatlo sa badminton, at tig-dalawa sa boccia at archery.
Ipinahayag ni Milette Santiago-Bonoan, ang chief of mission ng PH team sa Games, ang kaniyang kumpiyansa sa potensyal ng delegasyon sa prestihiyosong youth para-sport event na naglalayong bumuo ng susunod na henerasyon ng Asian para-athletes at bigyan sila ng mahalagang international exposure.
“Nagpapasalamat ako na nabigyan sila ng pagkakataong makalaban sa ganitong antas,” sabi ni Santiago-Bonoan. “May puso silang irepresenta ang bansa sa kahit anong paraan na kaya nila.”
Idinagdag niya na ang pagsali ng koponan ay umaasang makahikayat sa mas maraming institusyon na yakapin ang pagiging inclusive sa kanilang sports programs.
“Ang sports ay nakakapagpatibay ng karakter at self-esteem. Mahalaga ang ganitong mga event para sa mga bata dahil nagbibigay ito ng pag-asa at kumpiyansa. Ini-inspire sila nito na maging mas magaling, kaya malaki ang halaga ng tournament na ito,” sabi ni Santiago-Bonoan.
Sa nakaraang edisyon na ginanap sa Manama, Bahrain, nakauwi ang PH team ng isang gold medal mula sa para swimmer na si Ariel Joseph Alegarbes, kasama ng anim na silver at dalawang bronze sa swimming, athletics, at table tennis.
Umakyat na sa senior level si Alegarbes, at nagwagi ng mga medalya sa ASEAN Para Games at kinatawan ang bansa sa World Para Swimming Championships ngayong taon.
Kabilang sa iba pang dating Filipino medalists sa Asian Youth Para Games sina multiple ASEAN Para Games gold medalist at Paralympian swimmer Angel Otom; kapwa Paralympian swimmer Gary Bejino; at mga para-table tennis players na sina Linard Sultan at Mary Eloise Sable, na parehong nag-uwi ng medalya sa magkahiwalay na doubles events sa ITTF World Para Future Tournament sa Chinese Taipei noong Hunyo. (PSC MCO/HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com