TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum dahilan para maitabla ang serye at magpilit ng rubber match sa UAAP Season 88 men’s basketball semifinal.
Nagtala si Jacob Cortez (No. 11) ng 13 puntos, apat na assist, at dalawang steal, habang may 12 puntos, 17 rebound, at dalawang block si Mike Phillips (No. 25).
Nag-ambag sina EJ Gollena (No.32) at Vhoris Marasigan ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod. May siyam na puntos sina Macalalag at Pablo, habang may walong puntos si Amos.
Nanguna sa NU si Jake Figueroa na may 20 puntos, 10 rebounds, at apat na assist, sinundan ni Omar John na may 12 puntos at limang rebound.
Muling magtutuos ang dalawang koponan para sa do-or-die showdown sa Sabado sa Smart Araneta Colieum. (HENRY TALAN VARGAS)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com