PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKAKAAWA naman talaga ‘yung mga tagahanga ng yumaong Nora Aunor dahil talagang hindi nila matanggap na very relevant pa rin ang nag-iisang Star for All Seasons, Vilma Santos at literal na “the last movie queen standing.”
Sa recent victory at Best Actress record na nagawa ni ate Vi mula sa PMPC Star Awards for Movies, maraming fans ni ate Guy ang nag-iingay na naman ng kung ano-ano. Sila ‘yung mga toxic fan ni bulilit na kahit kailan ay laging ang kompetisyon ang laman ng mga utak at bukod tanging ang national artist nila ang nag-iisang mahusay. Nakakalokahhh! Talagang hindi na sila nag-move forward since noong 70’s.
Sa simpleng pag-aaral ng mga nakasaksi sa katatapos na Star Awards, ngayong 2025 ay nandiyan pa rin at in competition at nananalo pa ring best actress si ate Vi, habang si ate Guy, title na lang na ng ni-remake at ginawang musical movie (Himala) ang pinaka-na-identify sa kanya?
So sad. And yes, kahit ano pa sigurong tumbling at bardagulang acting ang ipakita ng mga artista (luma man at bago) ay mahihirapan na silang mapantayan man lang, o malampasan ang sampung Best Actress na napanalunan ng isang Vilma sa PMPC since the 80’s until today and maybe in the years to come.
We are just talking about the PMPC pa lang huh. Hindi pa kasama ang iba pang award-giving bodies na may multiple victories na rin ang star for all seasons.
Mahirap pa ring tanggapin? Puwes, pikit mata na lang kayo at mag-offer ng dasal for peace at rehabilitation. Taong 2026 na po next year, tara, mag-move forward na po ng tama at wasto.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com