PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
KAABANG-ABANG ang Manila’s Finest.
Isa nga ito sa mga Metro Manila Film Festival entries na dapat abangan dahil mukhang kakaibang kuwento ito ng mga pulisya in a certain period of time (70’s).
Base sa mga teaser at reels na napapanood namin sa TV5 at iba pang Cignal channels (dahil prodyus ito ng sister film outfit nila), nakaiintriga ‘yung mga scene na parang naging mga lumang police officials sina Piolo Pascual, Enrique Gil, Dylan Menor at iba pa nilang kasama.
Sa isang interview din ay narinig naming na-impress si Piolo sa newcomer na si Ashtine Olviga na gumaganap na anak ng aktor.
Ayon kay Piolo, “I find her to be very focused and determined. It’s nice to be working with her.”
Si direk Rae Red ang nasa likod ng produksiyon at ipinagmamalaki nito bilang isang period piece ang movie. Very challenging ang maipakita thru film ang mga exciting incident, the drama and action noong 70’s sa mga police in Manila.
“May this help our generation today to see both the good and bad things about some issues that still affect us today, lalo na ‘yung impressions, beliefs, values and the like sa ating mga pulisya and the system of peace and order at bilang mga human din sila,” habol pa ni direk Rae.
Hmmm, exciting naman talaga. At saka hello, ‘yung makita lang namin in police uniform sina papa P, Enrique, tsong Joey Marquez, Dylan, Cedric Juan at iba pa ay bongga.
Kasama rin sa cast ng Manila’s Finest sina Romnick Sarmenta, Rica Peralejo-Bonifacio (comeback movie of sort niya rin ito), Kiko Estrada, Jasmine Curtis -Smithat marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com