PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“SANA ito na nga,” wish ng fans ni Carla Abellana sa balitang engaged na ang aktres.
Kamakailan, nag-anunsyo ang aktres na mayroon na ngang nagpapasaya sa kanya na isang doktor. Just a day ago ay may pa-post na biglang napaka-bonggang diamond ring ang aktres.
Marami ang natuwa at nasiyahan. At least naiba naman sa mga post ni Carla na panay ang kuda at reklamo sa mga nangyayari sa gobyerno.
“It’s a breather. At least sariling happiness naman niya ang ibinibida. She deserves to be happy,” sey ng netizen.
Well, kung ang naturang doktor na nga ang bagong magpapasaya sa aktres, then let’s wish her well.
Lagi talagang mayroong darating na the one for you ‘ika nga.
Congratulations Carla!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com