PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BAGAMAT sa January pa eere sa Viva One ang Hell University, sagad-sagaran na sa promo ang mga bida sa mga interview, mall tours, at ilang event na may school program.
Sa ginanap na story conference kamakailan, kapansin-pansin ang mga bagets stars na pawang mga galing sa exclusive schools, with foreign tongues at trip lang talagang mag-showbiz. Pero ang nakatutuwa sa kanila, may dedication and determination sila to learn the ropes of the biz at willing mag-sacrifice para magawa at mabuo ng maganda ang project.
Bumibida sa popular Wattpad series na ito sina Zeke Polina as Ace Craige, Heart Ryan as Zein Shion, Aubrey Caraan as Samantha, Lance Carr as Raze, Jemima Rivera as Nicky, Jastine Lim as Vanessa, Keagan de Jesus as Nazzer,
Jac Abellana as Jerome, Derick Ong as Dave, Gabbi Ejercito as Mia, at Andre Yllana as Matt.
Tatlo sa mga bida ang matatawag na second generation of stars dahil sa mga showbiz family na pinanggalingan nila. Si Andre ay anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana, si Jac ay anak ni Jojo Abellana at pinsang buo ni Carla Abellana, habang si Gabbi ay anak naman nina Gary Estrada at Bernadette Allyson.
Mula sa panulat ni KnightinBlack at idinirehe ni Bobby Bonifacio.
Aabangan natin iyan sa January 2026 sa Viva One.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com