PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NGAYONG magbabalik-TV na si Willie Revillame, tiyak na magiging exciting uli ang mga game show hindi lang sa TV kundi maging sa mga online platform.
Sa naganap na pirmahan ng kontrata among Willie and his production team, sa mga opisyal ng Cignal TV at TV5, kina Mr. Manny V. Pangilinan at iba pang magiging involve sa Wilyonaryo show, kitang-kita ang pagbabalik sigla ni Willie.
Magkakaroon nga ito ng sarili niyang TV channel sa halos ilang TV channels ng MQuest at doon ay mas malaya nitong magagawa ang lahat ng nais niya para sa isang game show.
In fact, ayon sa panayam kay Willie, bukod sa malalaking cash prizes at papremyo ay may sarili na ring portion ang “bigyan ng jacket iyan” na ikina-excite siyempre ng mga regular patron.
Mukha ngang naka-recover na si Willie mula sa pagkaka-desmaya niya sa laro sa politika. At gaya ng kanyang ipinangako, magbabalik-TV siya bilang Willie na minahal at tinangkilik ng madla.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com