PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
O ‘di nganga ngayon ang Mehikanong bagong may-ari ng Miss Universe na si Raul Rocha.
Naging worldwide kasi ang eskandalo na nalikha ng sinasabing “fake Miss Universe” winner kaya’t hindi na ito tinantanan ng intriga.
May mga kaibigan tayo from the USA, Latin America, at Europe na grabe rin palang invested sa naturang famous beauty pageant.
Sa samo’tsaring intriga, batikos at sinasabing demanda iumano ng ilang mga taong sangkot sa pagpapatakbo ng organisasyon, bigla ngang napabalita na naghahanap ng bibili ng franchise si Rocha.
Sinupalpal nga siya ng socmed world nang laitin niya ang half-Pinay Miss Universe na si R’bonney Gabriel dahil umano sa wala pang milyones nitong follower sa IG account considering na three years ago pa itong naging MU, kompara sa ipinagmamalaki niyang Mexican winner na naka-3 milyon na agad.
Biglang bumuhos ang following ni R’bonney and in less than an hour umabot na agad ito sa isang milyon and counting.
Kahit si Miss Cote d’Ivoire Olivia Yace ay inokray din niga na kaya hindi ito nag-win ng Miss U title ay dahil sa ‘weak passport.’
Nakakaloka, pero sa patuloy na pagdagsa ng mga eskandalo at intriga, mukha ngang mauuwi sa pagsauli ng korona at pagbenta ng franchise ang tinaguriang most famous beauty pageant in the universe.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com