PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGBOLUNTARYO at pumunta sa ICC si Cong. Arjo Atayde para magbigay ng kanyang nalalaman sa pinag-uusapang flood control scandal.
Ayon sa aktor-politiko, nakahanda siyang magbigay ng kanyang nalalaman sa mga eskandalong pinag-uusapan ng sambayanan, lalo’t isinangkot siya at ang kanyang pamilya sa galit ng sambayanan sa mga tinatawag na “corrupt.”
May mga natuwa sa aksiyon ni Arjo dahil ito naman talaga ang nararapat gawin ng isang gaya niyang pinagkakatiwalaan ng mga tao.
Though may mga nagtataas pa rin ng kilay dahil parang sobrang natagalan naman yata ang ganitong aksiyon ng Kongresista?
Well, kung anuman ang kasasapitan ng ganitong aksiyon, mas nais naming i-wish na sana ay umapir na rin ang iba pang mga lider, mga taong isinasangkot at inili-link sa naturang eskandalo dahil at the end of day, sila ang may responsibilidad sa taumbayan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com