Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Vice Ganda Ion Perez Beautederm

Ion Perez prioridad pangangalaga sa kalusugan

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAKILALA ni  Miss Rei Anicoche Tan, ang CEO-President ng Beautederm noong Lunes ng hapon, ang newest ambassadors ng kanyang Belle Dolls. At ito ay sina Vice Ganda at Ion Perez.

Ito ang first time na sabay naging ambassador ng isang brand ang mag-asawa.

Sabi ni Vice sa pagiging ambassador nila ni Ion,“Sobrang laking bagay ito sa amin ni Ion at sa komunidad ko, na makitang may brand, malaking brand na katulad ng Beautederm.

“Na may nagtitiwala at nakakakita sa aming dalawa. Not just as individuals but as partners.

“It’s just very progressive. It’s so now, ‘di ba?

“Marami rito, hindi lang ‘yung Team Vice, kami nina Darla [Saurer], nina Jhai Ho, ‘yung mga press, ‘di ba, na masaya para sa atin, sa komunidad natin na may nag-a-acknowledge din sa atin at this point, 2025.

“We are seen. We are being trusted. We are being validated. We are acknowledged, ‘di ba?

“Not just by ourselves, pero lumalampas na sa community. That our presence, our existence, our love, our relationship is being acknowledged, and that’s one great win. It’s really phenomenal. Thank you very much.”

Ang Belle Dolls ay pampaganda at pangkalusugan. Sa tanong kay Ion kung gaano ba kahalaga sa kanya ang self-care, ang sagot niya, “Kasi unang-una, nasa probinsiya pa lang ako, parang active na ako, eh. ‘Yung lahat ng ginagawa ko ngayon, ‘yun din ang ginagawa ko dati sa probinsiya.

“So, ang pagiging healthcare, isa iyan sa mga priority ko sa buhay. Parang karugtong na siya ng buhay ko.

“Na active ako. Hindi lilipas ‘yung araw na wala akong ginagawa. And then, sa trabaho namin, siyempre kailangan pangalagaan ‘yung pangangatawan ko.

“Dapat maging laging malakas. Huwag magpabaya. Kaya ayun, pinapangalagaan ko ang aking pangangatawan,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …