GRABE pero super bongga ang kakaibang media con ng Shake Rattle and Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment.
Official entry ng Regal ang SRR: Evil Origins sa 2025 MMFF kaya’t marami ang excited sa pagbabalik pestibal ng longest running film franchise sa movie industry.
Bukod sa mga iconic artist gaya nina Janice de Belen, Manilyn Reynes, Arlene Muhlach, Carla Abellana, at Richard Gutierrez, kasama rin sa tatlong episodes ng movie sina Ivana Alawi at Ara Mina, with new batch of younger stars na may kanya-kanyang hukbo ng mga supporter.
Nakatutuwa nga dahil sa lakas ng ingay ng mga tilian at palakpakan para sa mga gaya nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith, JM Ibarra, Dustin Yu, Isabel Ortega, Loisa Andalio, at marami pang iba, amoy na amoy na namin ang matinding support na gagawin ng fandom come December 25 showing ng movie.
Ayon sa mag-inang Atty. Keith at Roselle Monteverde, hindi lumayo sa tradisyon ng takot, gulat, at sindak ang latest SRR: EVil Origins lalo’t ang mga writer at direktor ng movie ay big fan ng kanilang franchise.
“They know what our audience wants at alam nilang parte na ng tradisyon at kultura ang ganitong panoorin sa film festival,” sey pa ng mag-inang Roselle at Atty. Keith.
Ang mga writer ng movie ay sina Alex Castor, Onay Sales, at Gina Marissa Tagasa, habang sina Shugo Praico (1775), Joey de Guzman, (2025) at Ian Lorenos (2050) naman ang mga direktor, respectively ng bawat episode.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com