PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NATAPOS na pala ni Sen. Robin Padilla ang comeback movie niyang Bad Boy 3 under Viva Films na ka-collab ang sarili niyang film outfit na RCA Films (Robinhood Cariño Padilla).
“Natapos naming gawin noong may mga time na pahinga tayo sa duties natin sa senado. Nakakapanibago pero dahil sa matinding suporta ng aking tatay (boss Vic del Rosario) at mga kapamilya sa Viva, heto nga at pumirma tayo para sa limang movie projects,” sey ni Binoe na umaming sobra niyang na-miss ang gumawa muli ng movie.
“Iba ang kultura rito (showbiz). ‘Yung pagbibigay ng entertainment talaga ang nasa puso namin. Sa politika kasi, pag-solve sa mga problema ang lagi naming binibigyan ng pansin. Araw-araw ‘yun, walang pahinga at hindi natatapos ang problema. Kaya sobrang grateful ako nang alukin ako ni boss Vic na gumawa muli ng movie,” dagdag pa ni Binoe.
At dahil nga sa mataas na cost ng movie production, ‘yung talent fee niya ang naging share sa collab nila ng Viva Films.
Inaasahan din ni Binoe na masusunod ang pagkakaroon ng part 2 or 3 ng iba pa niyang naging monster hits sa Viva gaya ng Maging sino Ka Man, Utol Kong Hoodlum at iba pa.
“Sabi ni boss Vic, kinakausap na nila si mega (Sharon Cuneta) at talagang excited ako na muli kaming magkatrabaho,” sey pa ni Binoe sabay sabing equally excited din siyang muling makasama sina Vina Morales at iba pang naging leading ladies niya.
Looking forward din siya na makasama sina Cesar Montano, Ian Veneracion, Ruru Madrid, Coco Martin at pamangking si Daniel Padilla, na siya niyang gustong pamanahan ng titulong “Bad Boy” ng movie industry.
Sa Bad Boy 3 nga pala ay makakasama niya sina Dennis Padilla, Phillip Salvador, Kylie Padilla, at Ruffa Gutierrez, plus ‘yung mga dati na niyang nakasama sa peliklang ito noon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com