Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez Beautederm Rhea Tan

Rhea Tan, dream come true na maging kapamilya ng Belle Dolls sina Vice Ganda at Ion Perez

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MALAKING pasabog para sa 16th anniversary ng Beautederm at birth month ng CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan ang pagpapakilala sa Unkabogable Superstar na si Vice Ganda at partner nitong si Ion Perez, bilang brand ambassadors ng Belle Dolls ng Beautederm,

Naganap ang engrandeng event sa Grand Ballroom ng Solaire North, recently.

Aminado ang masipag na lady boss na dream come true ito para sa kanya

Pahayag ni Ms. Rha, “Ipinag-pray namin ito. Nagme-message kami, ‘Ano na Achi (Vice)?’ Kasi Achi ang tawagan namin. Kasi busy din siya, may mga show pa sa abroad. Tapos sabi ko, bakit paurong nang paurong. Tapos nasaktong birthday ko pa, birth month ko pa. Kapag si Lord talaga ang gumawa ng way, the Lord is always on time. Naniniwala tayo sa timing na iyon.

“At eto na… siya na lang ang kulang. Sa rami ng A-Listers natin, matagal ko nang dream na makasama sa Beautederm family si Achi. Tapos may bonus pa, si Ion, napakabait ni Ion.”

Nagpasalamat sina Vice at Ion kay Ms. Rei sa pagiging bahagi ng Belle Dolls dahil ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa as endorsers.

Wika ni Vice, “Masaya kami ni Ion na makapiling kayo at in-introduce kami ni Ms. Rhea Tan, the very beautiful Achi of mine. Sixteen years na ang Beautéderm, sweet 16, at sweet couple ang kasama ninyo. Kaya nakakatuwa. We are just both grateful to be part of this phenomenal, unkabogable company. This partnership is a celebration of self-love. I’m grateful to be part of a brand that brings beauty, hope, and inspiration.”

Pakli naman ni Ion, “I’m proud to promote something I truly enjoy. Health is a commitment and Beautéderm inspires Filipinos to choose wellness, every day.”

Ayon pa kay Vice, “Sobrang laking bagay nito sa amin ni Ion at sa komunidad ko (LGBTQIA+), na makitang may malaking brand na tulad ng Beautederm. Na may nagtitiwala at nakakakita sa aming dalawa. Not just as individuals but as partners.

“It’s just very progressive. It’s so now, hindi ba? Marami rito, hindi lang yung Team Vice, kami nina Darla (Sauler), nina Jhai Ho (naging host ng event), yung mga press, hindi ba na masaya para sa atin, sa komunidad natin na may nag-a-acknowledge din sa atin at this point, 2025.

“We are being trusted. We are being validated. We are acknowledged, ‘di ba? Not just by ourselves, pero lumalampas na sa community. That our presence, our existence, our love, our relationship is being acknowledged and that’s one great win. It’s really phenomenal. Thank you very much.”

Nabanggit pa ni Ion kung gaano kahalaga sa kanya ang self-care, dahil nga healthy drinks ang ine-endorse nila ni Vice. 

Aniya, “Kasi unang-una, nasa probinsiya pa lang ako, parang active na ako, e. Iyong lahat ng ginagawa ko ngayon, yun din ang ginagawa ko rati sa probinsiya. So, ang pagiging healthcare, isa iyan sa mga priority ko sa buhay.

“Parang kadugtong na siya ng buhay ko. Na active ako… hindi lilipas ang araw na wala akong ginagawa. And then, sa trabaho namin, siyempre kailangan pangalagaan yung pangangatawan ko. Dapat maging laging malakas, huwag magpabaya. Kaya ayun, pinapangalagaan ko ang aking pangangatawan.”

Sinabi rin ni Vice na malaki ang impluwensiya ni Ion sa kanya pagdating sa usapan sa health dahil aminado si Vice na noong hindi pa lantad ang kanilang relasyon ni Ion sa mata ng publiko ay unhealthy ang kanyang lifestyle. Ngunit unti-unti itong nabago ni Vice, sa tulong ni Ion.

Esplika ni Vice, “Iba rin talaga na malusog ang pangangatawan mo at malusog ang kalooban mo at masaya ang puso mo. Iyon ang impluwensiyang ibinigay niya sa akin. Binigyan niya ng kapayapaan at kaligayahan ang puso ko at iyon ang lalong nakapagpabata sa akin.”

Sinabi pa ni Ms. Rhea na ang dalawa ay saktong-sakto bilang bagong ambassadors ng Belle Dolls.

Aniya, “Ganoon din kasi ako tulad ni Ion na pinipili ang pagkain kaya sila ang right faces bilang bagong ambassadors natin. Gaya ko, I’m turning 45 (sa November 26) and 99 pounds (ang timbang ko), kaya dapat maging healthy tayo. Kasi, paano natin aalagaan ang ibang tao kung sarili natin hindi natin maalagaan?”

Sadyang swak nga sina Vice at Ion bilang endorsers ng Belle Dolls. Ang ine-endorse nina Vice at Ion ay ang healthy juice drinks at coffee ng Belle Dolls, kabilang dito ang Collagen Juice Drink na Avocado and Kiwi Flavored, Stem Cell Juice Drink na Strawberry Lychee Flavored, Caramel Macchiato Healthy Coffee, at Black Coffee Decaf.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …