PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NGAYONG pumirma na ng management contract sa Sparkle ng GMA 7 si Eman Bacosa Pacquiao, inaasahan na ngang mapapadalas na rin siyang mapanood sa mga programa ng network.
After ngang mag-viral ang anak ni Manny nang dahil sa boksing at sa mga feature nito lalo na ‘yung sa KMJS ni Jessica Soho, hindi na napigilan ang sunod-sunod nitong exposure.
Kahit si Piolo Pascual na naihalintulad dito bilang ‘kamukha’ nito ay isa ng kaibigan ni Eman.
Although pagboboksing pa rin ang priority ng 21-year old na binata, trip din nitong subukan ang pag-arte. Mukhang si Jillian Ward ang showbiz crush nito at nais na makapareha soon.
Napaka-disenteng kausap ni Eman. Very consistent ito sa pagiging magalang at maka-Diyos. At ramdam din ng lahat na mahal na mahal niya ang kanyang ina at step father.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com