PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
IBA rin itong si Ellen Adarna. Hindi ito napigilan sa kanyang mga hanash laban kay Derek Ramsay.
Kompirmado na ngang hiwalay na ito sa aktor since months ago, pero nitong last three weeks nga lang naging malinaw ang panloloko raw na ginawa ni Derek sa kanya.
Sa hinaba-haba ng mga resibong ipinost ni Ellen sa socmed, hindi na kami nagka-interes pang uriratin ang sinasabing ‘cheating issue’ lalo’t mukhang hindi naman ‘yun ang naging rason ng hiwalayan nila months back.
Gaya ng ilang celebrities na may mga eskandalosong buhay, nakisali na rin sina Ellen at Derek na sa socmed ibinubuhos ang mga kuda, hanash, at eskandalo na dapat ay “pribadong bahagi” ng kanilang buhay.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com