Sunday , March 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis-Smith Jeff Ortega Open Endings

Jasmine sa pagpapakasal sa BF na si Jeff: Hala! Mag-abang lang kayo riyan

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY temang LGBTQIA+ ang pelikulang Open Endings nina Jasmine Curtis-Smith at Janella Salvador.

Bukas ang puso ni Jasmine sa pagyakap sa mga miyembro ng nabanggit na community.

Yes, of course, of course. I have family, I have friends that are part of the LGBTQIA community,” bulalas ng aktres.

So talagang walang bago sa akin ever since growing up. Five, 6 years old already, gets ko na ‘yan.

“May tito ako na gay also, my brother is gay.

“So it’s all very much second-hand or…not second-hand, first-hand nature namin.”

May kapatid na bading si Jasmine.

“He’s 5 years younger than me, so 26.

“Yes, he’s open naman, he’s out about it naman.

“He’s in Australia.

“Ako pa talaga nag-out sa kanya,” at tumawa si Jasmine. “Nag-out naman siya publicly, but you know.”

Samantala, going strong ang relasyon nina Jasmine at Jeff Ortega.

That’s correct.”

Wedding bells? Ang daming nag-aabang.

Hala! Mag-abang lang kayo riyan. Ha! Ha! Ha!”

Last year ay tinanong din namin si Jasmine tungkol sa kasal.

I know, I know. It’s an annual question.”

Ayaw pa ba niya?

Hindi naman. I think it’s just the timing is finding itself, so no pressure.

“I think we’re in a day and age where I guess people feel less and less pressured about marriage and having children at an early age.

“Or baka ako lang ‘yun and my friendship circles, you know, I think we feel less pressured.”

Ang QCinema 13 film entries ay mapapanood sa mga piling sinehan sa Quezon City tulad ng Gateway, Trinoma, Eastwood, Fishermall, Cloverleaf at Robinsons Galleria mula Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 23 at ang ticket price ay P250.

Sa direksiyon ni Nigel Santos, tampok din sa Open Endings sina Klea Pineda at Leanne Mamonong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …