Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP kaugnay ng blind item na lumabas sa PEP.

Tungkol nga ito sa sinasabing “well-loved personality” sa showbiz na umano’y naligwak sa second level ng National Artist deliberation process.

Paliwanag nila sa sulat, “hindi na po ito tungkol kay Ms. Vilma Santos na ini-nomina ng maraming mga grupo mula sa academe, showbiz sector, non-government organization, fan club, religious and women organization etc. 

Naniniwala po kami sa kasagraduhan ng mga proseso na ginagawa ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) sa pagpili ng mga Pambansang Alagad ng Sining (in various fields) base na din sa kanilang mga itinakdang requirement-mechanics-panuntunan. 

Pero nais po naming kuwestyunin ang NCCA  kung bakit tila may leakage at nagkaroon o nakakuha ang PEP ng mahalagang impormasyon hinggil sa dapat na “very confidential, strict at marespetong” proseso? 

Mayroon po ba silang insider sa inyong ahensya? May mga nag-violate po ba ng dapat ay full non disclosure rule? May mga naimbita ba kayong mga umupo bilang “panel o jury members” sa dalawang level na nagbigay ng info sa PEP na parang siguradong sigurado sila sa mga detalye ng proseso kahit pa sa kaparaanang ‘blind item’ nila ito ginawa?.”

Hindi man namin nais paniwalaan ang ginawa ng PEP pero ang isyu rito ay ‘yung kwestiyonable ngayong integridad, kredibilidad, at pagiging disente ng proseso. Naniniwala rin kaming hindi for showbiz consumption ang ganoong mga pagpapakalat ng ‘balita’ lalo’t sinasalamin nito ang tunay na kahulugan ng pagiging Pambansang Alagad ng Sining at Kultura.

Wala pa kaming nakukuhang reaksiyon at update sa sulat na ipinadala ng mga matitikas, matatalino, at mga palabang kapwa Vilmanians.

Sa personal naming kakayahan at nalalaman, pansamantala muna kaming makikinig sa tamang proseso at protocol dahil hanggang sa ngayon ay naniniwala kaming umiiral ang makatarungan at balanse at wastong mga panuntunan sa ahensiyang nabanggit. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …