Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodjun Cruz Kryzl Jorge Liezl Jorge Purple Hearts vitamins

Rodjun blessing ang Purple Hearts

RATED R
ni Rommel Gonzales

GRAND winners sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos na grand finals ng Stars On The Floor ng GMA.

So what’s next sa showbiz career ng Sparkle male artist na si Rodjun?

Si Lord na ang bahala what’s next for me! 

“Sobrang ano na ako positive mind ngayon kasi sobrang achievement na nag-champion po tayo sa ‘Stars On The Floor.’

“’Yung makasama lang po tayo sa ‘Stars On The Floor’ winner na kasi lahat naman talaga roon magagaling.

“Tapos bonus na, na nag-champion tayo, so kung ano ‘yung will sa akin para ni Lord.

“Alam niyo naman tayo, kami ni Rayver, ano tayo eh, gagawin natin ang lahat basta ipagkatiwala sa amin kung anong work, kung singing ‘yan, dancing, acting.

“Lahat ‘yan ibinibigay namin ‘yung 100 percent namin.”

Younger brother ni Rodjun si Rayver Cruz na tulad niya ay Sparkle artist din.

Blessing na bago sa buhay ni Rodjun ang pagkakapili sa kanya bilang bagong brand ambassador ng Purple Hearts wellness brand.

Sa ginanap na Purple or Treat Costume Party and Product Launch ng lifestyle brand na Purple Hearts ini-welcome si Rodjun ng 9-year old CEO na si Kryzl Jorge ng Purple Hearts bilang celebrity brand ambassador.

Kabilang sa mga produkto ng Purple Hearts ay ang Immuni Boost (for immunological support), Mighty Boost (for physical growth),  at Smarty Boost (for cognitive performance and focus).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …