PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
UY producer na rin ngayon si Angeline Quinto.
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-15 taon sa industriya, bibida nga si Angge sa pelikulang ipinrodyus, Ang Happy Homes ni Diane Hilario.
Drama-thriller ang genre ng movie pero parang mas nais naming maniwala na may kakaiba itong comedy knowing full well na naturalesa ni Angge ang magpatawa kahit hindi nakatatawa.
But seriously speaking, may ilang acting projects na rin namang ginawa ang magaling na singer sa TV man o movie kaya’t sure kaming hindi siya nagprodyus lang para matawag din siyang aktres.
Mahusay ang timing nito sa comedy at nakakapag-drama rin naman siya. Kaya ngayong December 3, muli nating mahuhusgahan ang husay ni Angge sa Ang Happy Homes ni Diane Hilario na kasama rin niya sina Eugene Domingo, Luis Alandy, Paolo Contis, at Richard Yap, sa direksiyon ni Marlon Rivera (ng Babae sa Septic Tank).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com