PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BINABATI namin ng isang masaya, malusog, at mas may peace of mind na kaarawan ang nag-iisang star for all seasons, si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.
Ngayong November 3 ay muli nating ipapako sa 35 ang edad ni ate Vi, (forever 8 ang total) na talaga namang patuloy na binibiyayaan ng nasa Itaas.
Mula sa kanyang mga gawain sa Batangas province hanggang sa showbiz, family life at pagkakaroon ng mabubuting mga kaibigan, supporters at fans, balanseng-balanse ang pagtanggap ni ate Vi ng mga blessing.
Sa kaliwa’t kanan niyang mga papuri at parangal na nakukuha from various groups, mapa-showbiz o private sectors, laging iisa ang pasasalamat ni ate Vi.
Na siya’y lalong nai-inspire sa pagiging ‘relevant’ bilang ina ng lalawigan at icon ng showbiz industry, kaya’t dasal niyang mas maging cooperative, collaborative, at nagtutulungan ang lahat.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com