Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dondon Nakar

Dondon Nakar ng Apat na Sikat yumao sa edad 66 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SIGURADO kaming nalungkot si Gov. Vilma Santos sa balita ng pagyao ni Dondon Nakar, ang minsang gumanap na Ding sa matatagumpay na Darna movies na kanyang ginawa noong 70’s.

Naging ‘Ding” ni Darna si Dondon sa movie na Darna and the Giants noong 1973 at noong 1976 nga ay inilunsad sila ni Winnie Santos sa Pilyang Engkantada movie. 

Since then, naging sila ang magkapareha sa Apat na Sikat, ang tandem na sumunod na binuo ng yumao na ring si Ike Lozada. Sila ang mga love team after ng Vi-Bobot at Guy-Pip.

Nagkaroon na nga ng Winnie-Dondon at Lala Aunor-Arnold Gamboa, na Apat na Sikat.

Sa edad na 66 ay binawian nga ng buhay ang dating matinee idol noong 70’s na napanood pa namin sa mga pelikulang Menor de Edad, Gabi ng Bumuka ang Sampaguita (launching movie ni Amy Austriana siya ang leading man), Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang among others.

Mid-80’s nang tuluyang iniwan ni Dondon ang showbiz at naging private person. Huli namin siyang nakita sa isang okasyon more than ten years ago sa paanyaya ng kapatid-kumare rin nating si Lala. 

Nakikiramay po kami sa mga naulila ng dating kilalang aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …