PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TALAGA namang Paskong panalo sa saya ang naghihintay sa Kapuso Bigtime Panalo Season 4!Bukod sa umaabot sa halagang P7-M worth of prizes, may apat na masuwerteng Kapuso ang mananalo ng P1-M each.
Para makasali, bumili ng alinman sa apat (4) na participating products: Aji-Ginisa® Flavor Seasoning Mix, Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink, Nescafé, at Nestea Iced Tea®. Ilagay ang kompletong pangalan, home address, edad, contact number, at ang nakasulat-kamay na signature sa isang pirasong papel, kasama ang proof-of-purchase. Ipagsama sila sa isang envelope at ihulog sa mga designated drop boxes na matatagpuan sa mga Mercury Drug branches, Puregold outlets, at syempre, GMA Network TV and Radio Stations!
Magpadala ng mga entries hanggang December 26, 2025.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com